Sabado, Pebrero 18, 2012

Rehiyon at Kultura sa Asya


Rehiyon at Kultura sa Asya

Japan

  • Maituturing na pinakamodernong bansa sa Asya ang Japan subalit napanatili nito ang impluwensiya ng relihiyon sa kanyang tradisyon. 
  • Itinuturo pa rin sa mga Haponesa ang pagsusuot ng tradisyunal na damit na kimono at obi, ang detalyadong ritwal ng seremonya sa tsaa at pag-aayos ng bulaklak (kilala rin sa pangalang ikebana). 
    Kimono



OBI
  • Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilang dambana sa Ise o kung tawagin ay Ise Shrine.
    Ise Shrine
  • Napangalagaan pa rin ang mga templong Tang na yari sa kahoy.
  • Naging bahagi na ng tradisyong Hapones ang arkitekturang halaw mula sa China sa panahon ng Tang.
  • Nakatutuwang isipin na ang mga Hapones ay nakasakay sa pinakamodernong sistemang transportasyon subalit pag-uwi sa kanilang bahay ay nagsusuot ng kimono at tradisyunal na tsinelas, nauupo sa tatami mat, at kumakain ng pagkaing Hapones.


Vietnam
  • Makikita sa mga bansang Buddhist, partikular sa Timog Silangang Asya, na hindi lamang personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon ng pang – araw – araw na pamumuhay.
  • Malaki rin ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang pambansa. Kadalasang nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.
  • Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga Vietnamese. May mga naglalabang partidong pulitikal na Buddhist.
  • Isang katibayan ng pagiging aktibo ng mga Buddhist sa isyung pulitikal at panlipunan ay ang tanyag na pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963.
    pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963.

  • Ginawa niya ito, katulong ang dalawa pang mongheng nagbuhos ng gasolina sa kanyang katawan, sa isang abalang sangandaan sa Saigon (ngaon ay Ho Chi Min City), Vietnam.
  • Ito ay bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanong rehimen ni pangulong Ngo Dinh Diem laban sa mga Buddhist sa Vietnam.
    Pangulong Ngo Dinh Diem

  • Sa mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng rehimen ang mga restriksyong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya ng pagbabawal sa pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa kanila.
  • Sinasabing ang naturang insidente ay lalong nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga naniniwala sa relihiyong ito.
  • Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa rehimeng Diem sa South Vietnam noong 1963.


India
  • Isa sa mga tradisyong Hindu ang sati (suttee sa ibang aklat) o ang pagpapakamatay ng balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog ng labi ng asawang namatay.


SATI O SUTTEE

  • Bagamat ipinagbawal na ito ng pamahalaang English sa India noong 1829 pa, noon lamang 1987 ay isang kaso ng sati ang naitala.
  • Patunay lamang na sa kabila ng batas na nagbabawal dito, patuloy pa rin ang ilang Hindu sa pagsasagawa nito.
  • Pangunahing dahilang ibinibigay sa pagsasagawa nito ang paglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki at maging ang byuda.
  • Sa pamamagitan ng sati, pinaniniwalaang makakamtan ng mag – asawa ang kaluwalhatian sa kabilang buhay.
  • Noong 1987, isang 18 taong gulang na balong babae, si Roop Kanwar, ang nagsagawa ng sati.


  • Wala pa silang isang taong kasal nang mamatay ang kanyang asawa subalit hindi ito naging hadlang upang hindi niya isagawa ang tradisyong ito.
  • Dahil sa pangyayaring ito, naging maigting ang pagtatalo sa pagitan ng usapin ng tradisyon at modernisasyon.
  • Tinuligsa ng mga Kanluranin at peministang Hindu ang pagkadakila ng sati samantalang itinaas naman ng mga debotong Hindu si Roop Kanwar bilang Diyosa.
  • Sa katunayan, marami ang nagpupunta sa lugar na pinangyarihan ng nasabing sati upang sambahin si Kanwar.
  • Inaresto ang mga tumulong sa pagpapakamatay ni Kanwar, kasama ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki na siyang nagsindi ng apoy ng cremation.
  • Subalit makalipas ang siyam na taon, nagdesisyon ang korteng Indian na palayain ang mga ito sa pamamagitan ng deklarasyong ang sati ay isang tradisyong panlipunan.

Saudi Arabia 
Ø Sa lipunang Arabo, nananatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.



Ø Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam na may paniniwala sa ummah o konsepto ng pagkakapantay – pantay ng lahi, kasarian, o uring panlipunan.

Ø Subalit dahil sa ilang salik, hindi ito ganap na naipapatupad sa mga bansang Arabo.
Ø Halimbawa, sa usapin ng kasal, pinapayagan ang kalalakihang magkaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine.
Ø Subalit kailangan ay mapapakain niya lahat at matatrato niya nang pantay ang mga ito.
Ø Tila rin walang kahirap – hirap sa lalaki na makipagdiborsyo sa kanyang asawa. Sa usapin naman ng karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na lalaki sa ina hanggang umabot siya sa pitong taong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili.
Ø Kapag babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya mapunta sa kanyang ama.
Ø Subalit kung magdesisyon ang babae na magpakasal nang hindi pa natatapos ang panahon ng legal custody, mawawalan na siya ng karapatan sa kanyang mga anak.
Ø Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw rito ang Taliban, mas lumala ang diskriminasyon sa kababaihan.




Mga Taliban 



Ø Ang Taliban ay isang grupo ng mga radikal na Muslim. Dahil sa kautusan ng Taliban, napilitan ang mga babae na magsuot ng burka, ang kanilang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan. Bukod dito, kailangan pa nilang magsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata.
BURKA

Ø Tinanggal din ang kanilang karapatang bumoto, mag – aral, magtrabaho, at tumanggap ng benepisyong pangkalusugan.
Ø Sa pagbagsak ng Taliban, bahagyang nabawasan ang di-makatwirang restriksyon ng kababaihan.






Pilipinas
Ø Kinakaharap ngayon ng Pilipinasang mabilis na paglaki ng populasyon. Ito ay ayon sa United Nations’ Population Fund na nagdeklarang apat na sanggol ang ipinapanganak sa bawat minuto simula taong 2000.





Ø Dahil dito, tinatayang aabot sa 84.2 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2004 mula sa 76.5 milyon noong 2000 ayon sa National Statistics Office (NSO).
Ø Subalit may mga datos na nagsasabing nasa 86 milyon na ang populasyon ng Pilipinas noong 2004.
Ø Malaking problema ito para sa bansa, lalo na at ang sangkatlong (1/3) bahagi ng populasyon ay kumikita lamang ng katumbas ng $ 1 bawat araw.
Ø Nangangahulugan ito ng kahirapan ng pamumuhay ayon sa World Bank. Ang nasabing kita ay hindi sapat para sa isang pamilya na tustusan ang pagkain, upa sa bahay, tubig, kuryente, pagpapaaral sa anak, at iba pang pangunahing pangangailangan. 


Ayon sa Direktor ng Philippine Population Commission na si Tomas Osias, naniniwala siyang bahagi ng solusyon ang pagpapalaganap ng kaalaman hingil sa pagpaplano ng pamilya.
\


 May kakulangan din sa pagpapamudmod ng mga mumurahing contraceptive o mga artipisyal na pamamaraan ng pagpigil ng pagbubuntis.

 Contraceptive Pills

·                     Sa kabila ng mga suliraning pang-ekonomiya, maaari ding maging dahilan sa pagdami ng kasong Human Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immune Defiency Syndrome o AIDS ang hindi paggamit ng kontrasepsyon.


                              Human Immunodeficiency Virus o HIV



·                     Noong 2004, tinatayang may 1,810 kaso ng HIV at AIDS ayon sa pamahalaan (9,400 kason naman ayon sa United Nations).
·                     Maaaring dumami pa ito dahil sa hindi malawakang paggamit ng kondom.
·                     Noong 2003, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pagsuporta sa rhythm method, isang uri ng pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya kung saan di magtatalik ang mag-asawa sa panahon ng ovulation ng babae.
·                     Ayon sa mga kritiko, ito ay hindi maaasahan na pamamaraan at mahirap sundin.
·                     Nagmungkahi rin ang ilang mambabatas ng two-child policy upang solusyunan ang problema sa populasyon.
·                     Marami ang tumutol sa panukalang ito sa dahilang wala raw karapatan ang Estado na limitahan ang bilang ng nais maging anak ng mag-asawa.
·                     Ayon naman sa Simbahang Katoliko Romano, mangangampanya sila laban sa simumang pulitikong magtataguyod ng artipisyal na pamamaraan ng pagpigil sa pagbubuntis.





PREPARED BY: 
       Christian Jay A. Viñas
SCHOOL: 
       Rizal High School
TEACHER:
       Mrs. Regina Capua
YEAR AND SECTION:
       II - Jennings